Nasa 35 empleyado ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang sumailalim sa training ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) sa Quezon City.
Ayon kay ARTA Secretary Director General Ernesto Perez, may kaugnayan ang training sa Republic Act (RA) No. 11032 o ang Ease of Doing Business (EODB) Law.
Nilalayon nitong mabigyan sila ng mas malalim na kaalaman sa RA 11032 at iba pang mga kinakailangan sa ARTA.
Binigyang diin ni Perez, ang kahalagahan ng papel na gagampanan ng mga barangay sa ganap at epektibong pagpapatupad ng EODB Law sa lahat ng ahensya ng gobyerno.
Kabilang sa mga dumalo sa training ang mga empleyado mula sa Bureau of Local Government Development, National Capital Region at field offices nito, at National Barangay Operations Office.
Habang ang kinatawan naman ng mga piling barangay sa NCR ay mula sa Quezon City, Manila City, Muntinlupa City, Valenzuela at Caloocan. | ulat ni Rey Ferrer