Aabot sa siyam na flights mula sa iba’t ibang airlines ang nagkansela na ng kanilang paglipad ngayong araw sa iba’t ibang destinasyon sa bansa dulot ng masamang panahon dala ng bagyong Aghon.
Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA), as of 9:26am kanselado ngayong araw ng Sabado, May 25, ang mga sumusunod na flight:
CEBGO
DG 6113/6114: Manila – Naga – Manila
DG 6839/6840: Manila – Siargao – Manila
DG 6881/6882: Manila – Surigao – Manila
DG 6117/6118: Manila – Naga – Manila
DG 6177/6178: Manila – Masbate – Manila
PAL Express
2P 2981/2982 Manila-Tacloban-Manila
2P 2671/2672 Manila-Calbayog-Manila
Cebu Pacific (5J)
5J 821/822: Manila – Virac – Manila
AirSWIFT
T6 710/711: Manila – Romblon – Manila
Pinapayuhan naman ng MIAA ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa kanilang airlines para sa rebooking o refund ng kanilang pamasahe.
Sa ngayon, as of 11am, napapanatili pa rin ng Bagyong Aghon ang lakas nito habang nasa katubigang sakop ng San Vicente, Northern Samar. Nananatili pa ring nakataas ang Signal #1 sa maraming bahagi ng Timog Katagalugan, Bicol, at Visayas.
Inaasahan naman, ayon sa PAGASA, na pagsapit ng Miyerkoles ng umaga ay lalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Aghon. | ulat ni EJ Lazaro