Aabot sa walong flights ang nakansela ang paglipad ngayong araw sa iba’t ibang destinasyon sa bansa dulot ng masamang panahon dala ng bagyong Aghon.
Ayon sa flight advisory ng Manila International Airport Authority (MIAA), as of 2:00am kanselado ngayong araw ng Linggo, May 26, ang mga sumusunod na flight:
CEBGO
DG 6031/6032: Manila –San Jose – Manila
DG 6113/6114: Manila – Naga – Manila
DG 6117/6118: Manila – Naga – Manila
Cebu Pacific (5J)
5J 821/822: Manila – Virac – Manila
Pinapayuhan naman ng MIAA ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa kanilang airlines para sa rebooking o refund ng kanilang pamasahe.
Sa ngayon, as of 5am, lumakas pa si Aghon at naging isa nang ganap na Tropical Storm habang nasa katubigang sakop ng Tayabas Bay.
Kaya naman nakataas na rin sa Signal No. 2 sa mga bayan sa northern and central portion ng Quezon Province habang Signal No. 1 naman sa karamihan ng lugar sa Luzon kabilang na riyan ang Metro Manila.
Inaasahan naman, ayon sa PAGASA, na pagsapit ng Miyerkoles ng umaga ay lalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Aghon. | ulat ni EJ Lazaro