Pinaganda ng Malabon City Local Government ang ilang imprastruktura sa lungsod para makapaghatid ng mas dekalidad na serbisyo publiko.
Pinangunahan ni Malabon City Mayor Jeannie Sandoval ang inagurasyon at blessing ng apat na infrastructure projects na inaasahang mapapakinabangan ng maraming residente.
Kabilang dito ang Muzon Dulo Basketball Court o MUDUBA Covered Court at Muzon Multi-Purpose Hall (MAC Covered Court) sa Barangay Muzon, at ilang eskinita at drainage sa Katarungan St, at Kaunlaran St. (PHASE III)
Ayon kay Mayor Jeannie Sandoval, pinaganda at binuksan ang mga proyektong ito para mabigyan pa ng kulay ang mga pasilidad sa Malabon at magamit para sa iba’t ibang aktibidad at para na rin sa kaligtasan ng mga residente.
Nito lamang abril ay ilan ding infra projects ang binuksan ng Malabon LGU kabilang ang bagong footbridge sa Letre Creek, Delos Santos Road 2 at 3, drainage sa Delos Santos Road, bagong Gozon Outpost sa Letre at PNP/SWAT outpost sa Roque Street. | ulat ni Merry Ann Bastasa