Ilang jeepney driver, hati ang opinyon sa hulihan ng PUJ na di consolidated

Facebook
Twitter
LinkedIn

Magkakaiba rin ang pananaw ng ilang mga jeepney driver na miyembro na ng coop sa pagsisimula ng hulihan sa mga pampublikong sasakyan na tumangging magpa-consolidate.

Dito sa bahagi ng Visayas Avenue, karamihan ng mga jeepney driver ay may mga nakapaskil nang na sticker ng kanilang mga kooperatiba gaya ni Mang Rolly na miyembro ng Aguila Transport Cooperative.

Ayon sa kanya, pabor siya kung pagbibigyan pa ang mga kapwa niya tsuper na hindi nakasali sa kooperatiba dahil kawawa naman ang mga ito.

Ganito rin ang sinabi ni Mang Orlando na inaalala ang trabahong mawawala sa mga ito kapag na-impound ang kanilang unit.

Sa kabilang banda, mayroon din namang gaya ni Mang Tito na naniniwalang tama lang na hulihin na ang mga hindi nagpa-consolidate dahil ilang beses na rin naman silang pinagbigyan.

Hindi rin aniya patas ito para sa kanila na matagal nang sumunod sa PUV Modernization Program.

Samantala, nakahinga naman ng maluwag ang mga tsuper na ito dahil hindi sila kasama sa huhulihin at malaya pa rin silang nakakapasada.

Una nang pinaalalahanan ng
Powers and Functions of the Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga jeepney driver na nagsama-sama sa mga kooperatiba na lagyan ng kaukulang dokumento ang kanilang mga sasakyan upang maiwasan ang pagkahuli.

Ang mga mahuhuling jeepney ay maaaring humantong sa isang taong suspensyon ng lisensiya ng tsuper, multang ₱50,000 para sa operator, at 30-araw na impound ng sasakyan. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us