Ilang mamimili sa San Juan City, umaasang makaaabot din sa mga palengke ang murang bigas na ibinebenta sa KADIWA centers

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiwala naman ang ilang mamimili sa San Juan City na kayang ibaba ang presyuhan ng bigas gaya ng ibinebenta sa KADIWA kaya’t nais nila na maibaba na ito sa mga palengke.

Sa pagtatanong ng Radyo Pilipinas sa Agora Public Market sa San Juan City, sinabi ng ilang mamimili  na mabilis kasing naubos ang suplay ng ₱39 kada kilo ng bigas na ibinenta sa KADIWA ng Pangulo nitong nakalipas na araw.

Kaya naman nabitin ang mga mamimili at kanila ngayong hinihiling na mabenta na sana sa mga palengke ang ganitong presyo ng bigas.

Sa kasalukuyan, naglalaro sa ₱50 ang pinakamurang bigas pero may isang tindahan dito ang nagbebenta ng ₱43 na kada kilo ng regular-milled rice

Una nang sinabi ng National Irrigation Administration (NIA) na plano nilang magbenta ng Php 29 na kada kilo ng bigas sa mga KADIWA center sa buwan ng Agosto

Ayon sa NIA, aabot sa 10 milyong sako ng bigas ang kanilang maibebenta sa murang halaga na posible dahil sa tinatawag na contract farming at paggamit ng pump irrigation systems ng mga magsasaka.  | ulat ni Jaymark Dagala

#RP1News
#BagongPilipinas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us