Mga lokal na pamahalahan sa lungsod ng Iligan City, nagpaabot ng pasasalamat at suporta sa programa ng Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. para sa mga apektadong sektor ng El Niño kaninang umaga sa gymnasium ng Mindanao State University-Iligan Institue of Technology kung saan dinagsa ito ng libo-libong mga benepisyaro ng nasabing programa.
Sa mensaheng binigay ng kasalukuyang butihing alkalde ng lungsod, Mayor Frederick W. Siao, ang iba’t ibang programa ng serbisyong publiko sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. ang natanggap ng mga residente ng Iligan. Isa na dito ang mga natapos na mga imprastraktura, pagbabago sa sektor ng kalusogan at iba pang programa, ang “KADIWA NG PANGULO”. Malaking ang pasasalamat ng alkalde sa walang sawang suporta at tulong ng pangulo sa lungsod ng Iligan.
Ganun din sa mensahe ni Congressman Celso Gomera Regencia ay nagpaabot siya ng pasasalamat sa pagbisita ng Pangulo sa lungsod, upang personal niyang maipamahagi ang kanyang tulong sa mga nangangailangan apektadong sektor sa El Niño phenomenon. Nabanggit ni Cong. Regencia ang laki ng suportang binigay ng Pangulo, kung saan sampung libong (10,000) mga benipisyaryo ang tatanggap ng sampung libong pesos na pinansiyal na ayuda. Ito’y upang maibsan ang epekto ng nasabing kalamidad sa mga hanapbuhay ng mga apektado, lalo na ang mga magsasaka at mangingisda.
Samantala, maraming mga Iliganon ang masayang nakita ang dalawang may mataas na posisyon sa Iligan City na nagkakaisa sa panahon ng krisis sa kabilang ng anumang kulay na kanilang sinusuportahan. | via Alwidad Basher, RP Iligan