Ipinailalim na sa state of calamity ang probinsya ng Iloilo dahil sa pinsala ng tag-init na pinalala ng El Niño phenomenon matapos inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan ang resolusyon ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) na pinamumunuan ni Gov. Arthur Defensor Jr.
Mahigit PhP1 Billion ang pinsala ng El Niño sa agrikultura partikular sa palay, mais, high value crops, at livestock and poultry na mga produkto.
Base sa report ng PDRRMC may 11 mga bayan at component city ang nagpahayag ng state of calamity.
Ito ay ang mga bayan ng Sara, Estancia, Bingawan, Balasan, Dingle, Lemery, San Dionisio, Banate, Barotac Viejo, Ajuy, Mina, at Passi City.
Sa pagpapailalim sa probinsya sa state of calamity, magagamit na ng gobyerno probinsyal at mga bayan ang calamity fund at quick response fund para makatulong sa naapektuhan ng El Niño.| ulat ni Bing Pabiona| RP1 Iloilo