Malamig si Iloilo Rep. Janette Garin sa plano ng Department of Education (DepEd) na magdaos ng klase sa araw ng Sabado oras na magbalik sa lumang school calendar.
Ayon kay Garin, ang Sabado na iyon ay mangangahulugan ng dagdag na pasahe.
Maliban dito, mayroon din aniyang mga magulang na ang may pasok sa trabaho kapag weekend.
Mayroon din aniyang ibang school activity na ginagawa aniya ng Sabado ay maaari itong masagasaan, halimbawa ang alternative learning system.
Ang mungkahi ng kinatawan, ikonsidera ang pagbabawas ng mga local holiday na karamihan ay hindi rin naman sinusunod ng mga pribadong paaralan.
Kasama rin sa suhestyon ni Garin na bawasan ang ilang mga aktibidad nakumakain sa academic hours ng mga estudyante.
Sa pagdinig sa Kamara ipinaliwanag ng DepEd na mula sa 180 school days ay magiging 163 na lang ito oras na magsimulang bumalik sa lumang school calendar sa susunod na taon.
Kaya kailangan ng ‘catch up Saturdays’ para mapunan ang mababawa na school days.| ulat ni Kathleen Forbes