Naniniwala si Deputy Majority Leader at Iloilo Representative Janet Garin na tanging si dating si Health Secretary Franciso Duque lamang ang magbibigay linaw sa kaso na kinasasakutan nito sa Office of the Ombudsman.
Ginawa ni Garin ang pahayag matapos ipasa ni Ombudsman Samuel Martires sa Sandiganbayan ang kambal na kaso ng graft and corruption charges laban ni Duque at Procurement Service Department of Budget and Management (PS-DBM) Executive Director Christopher Lao at iba pang mataas na opisyal ng naturang mga ahensya.
Ito ay may kinalaman sa sa umano’y maanumalyang deal sa Pharmaly Pharmaceutical Corp. para sa supply ng iba’t ibang Anti-COVID medical items.
Sa daily Press Conference sa Kamara, sinabi ni Garin na mainam na maitanong kay sec. Duque kung ano ang naging pangyayari kung bakit idinaan sa PS-DBM ang pondo na siyang ibinayad sa Pharmally.
Paliwanang pa ng lady solon, bilang dating kalihim ng DOH, may proseso na ginawa ang gobiyerno sa pagbili ng mga goods. Ito ay ang Bids and Awards Committee at kung maramihan ang bibilhin ng gobiyerno ay maari itong i-procure sa international organization gaya ng UNICEF.
Samantala, ayon pa sa mambabatas, upang hindi na ito maulit muli, maaring aniyang magsagawa ng imbestigasyon ang Kamara “in aid of legislation” para sa ang teknikalidad at legalidad ng paglilitis ng pondo ng isang ahensya ng gobiyerno.| ulat ni Melany V. Reyes