Tumaas na ng hawak na imbentaryo ng bigas ng National Food Authority (NFA) kasunod ng ipinatupad na mas mataas na buying price sa palay.
Sa ulat ng NFA, as of May 15 ay karagdagang 2.41 milyong 50-kgs sako ng bigas ang nabili na ng ahensya.
Mula ito sa higit 142,000 lamang na sako ng palay mula January 1- April 15.
Ayon kay NFA Administrator Larry Lacson, patunay ito na naging epektibo ang hakbang na itaas ang palay buying price para mapalawak ang palay procurement ng ahensya.
“I think the NFA Council’s strong understanding of NFA’s challenges has resulted in stronger collaboration. We thank Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr. and the Council for this,”
Sa kabuuan, aabot na sa 2.5 milyong sako ng palay ang nabili ng NFA hanggang nitong May 15 na katumbas ng 82.76% ng higit tatlong milyong target para sa naturang period.
Patuloy namang siniskap ng ahensya na maabot ang target nito sa oras na mag-anihan na ang mga magsasaka sa Bulacan.
“We’re still aiming to hit that target since there are other areas like Bulacan where farmers haven’t completed their rice harvest,” Lacson. “Farmers I spoke to are very happy with this initiative of the administration of President Ferdinand Marcos Jr. to help farmers increase their income.” | ulat ni Merry Ann Bastasa