Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Aircraft Accident and Inquiry Investigation Board (AAIIB) sa nangyaring pagsadsad ng isang training aircraft sa shoreline ng Barangay Canaoay, San Fernando La Union.
Ayon sa inisyal na report na nakatanggap ng alert ang San Fernando Tower mula sa RP-C6923 na nagdedeklara ng emergency failure bandang 8:23 umaga, mayo abente uno.
Nagpadala na ang civil aviation authority ng mga imbestigador para malaman ang pinagmulan ng nasabing insidente.
Matatandaang sumadsag ang nasabing eroplano sakay ang flight instructor at student pilot kung saan nagtamo ang mga ito ng minor injuries
Agad na nakaresponde ang CAAP crash and fire rescue gayundin ang Philippine Coast Guard. | ulat ni Lorenz Tanjoco