Inihaing reklamo ng isang social media group laban sa sinasabing nasa likod ng Deep Fake video ni Pangulong Ferdinand R.Marcos Jr, pinag-aaralan na ng PNP Anti-Cybercrime Group

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinag-aaralan na ng Philippine National Police – Anti Cybercrime Group (PNP-ACG) ang inihaing reklamo ng grupong Kapisanan ng mga Social Media Broadcaster ng Pilipinas laban sa umano’y nasa likod ng Deepfake video ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Ayon kay PNP-ACG Cyber Response Unit Chief, Police Col. Jay Guillermo, kanila namang inilahad sa grupo ang mga kailangang rekesitos para sa paghahain ng kaukulang kaso laban sa mga matutukoy na nasa likod nito.

Batay aniya sa kanilang inisyal na imbestigasyon, sinabi ni Guillermo na natukoy na nila ang IP address ng pinagmulan ng video subalit hindi ang taong nasa likod nito.

Posible kasi aniyang gumagamit ito ng isang proxy server o di kaya’y virtual private network na siyang ginagamit din sa ibang bansa.

Aminado si Guillermo na matatagalan bago matunton ang nasa likod ng naturang video at posibleng abutin aniya ng buwan dahil malaking hamon sa kanila ngayon na tukuyin ang taong nasa likod ng ginagamit na IP address.

Sakaling matunton naman, sinabi ni Guillermo na mahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Article 154 ng Revised Penal Code na may kinalaman naman sa mga probisyon ng Cybercrime Prevention Act of 2012. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us