Nakipagtulungan na ang Department of Agrarian Reform (DAR) sa Department of Budget and Management (DBM) para sa pagsusulong ng digitalisasyon sa ahensya.
Layon nitong pahusayin ang kapasidad ng information technology (IT) ng DAR at bumuo ng isang roadmap para sa pag-automate ng mga proseso nito, alinsunod sa pambansang direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na gawing digital ang mga operasyon ng pamahalaan at pagbutihin ang paghahatid ng serbisyo.
Ayon kay DAR Finance, Management and Administration Office Usec. Lani C. De Leon, nakatutok na sila sa ganap na digitalization sa pamamagitan ng strategic convergence upang mapahusay ang paghahatid ng serbisyo sa Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs).
Una nang binigyang diin ni DAR Secretary Conrado M. Estrella III ang kahalagahan ng digitalization sa pagkamit ng siyam na prayoridad sa reporma sa lupa ng departamento, partikular ang mabilis na paghahatid ng mga programa at serbisyong agraryo.
Inaasahang makabuluhang makikinabang sa digital na pagbabagong ito ang mga ARB sa pamamagitan ng pagsuporta sa kanilang paghahanap ng produktibong kabuhayan at napapanatiling negosyo. | ulat ni Merry Ann Bastasa