Inisyatibong rice contract farming ng NIA, inilunsad sa Zamboanga Peninsula

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinalawak pa ng National Irrigation Administration (NIA) ang suporta nito sa mga magsasaka sa Zamboanga Peninsula sa pamamagitan ng paglulunsad ng isang strategic rice contract farming.

Sa ilalim nito, direktang susuportahan ang 25 irrigators association sa rehiyon sa layuning mapalago ang lokal na produksyon at kita ng mga magsasaka.

Kabilang dito ang ₱50,000 halaga ng support package gaya ng farm inputs, binhi, at pataba.

Magiging prayoridad din sila sa suporta ng pamahalaan sa mechanization, transportation, at iba pang production technologies.

Kaugnay nito, matapos lumagda sa MOA ang 25 IAs para sa implementasyon ng Rice Contract Farming program, nagsimula na rin ang paghahanda ng mga ito para makapagtanim ng high-yielding rice varieties ngayong Mayo.

Matapos naman ang harvest, bibilhin din ng NIA ang limang metriko tonelada ng palay sa bawat irrigators association. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us