Ipinapanukala nina ACT CIS Party-list Representatives Erwin Tulfo at Jocelyn Tulfo at Quezon City Representative Ralph Tulfo na gawing permanente ang “installment payment scheme” para sa mga pangunahing bayarin ng publiko.
Sa ilalim ng kanilang House Bill 10376 o “Three Gives Law” maaaring gawing pautay-utay ng hanggang tatlong buwan ang pagbabayad sa basic utility bills gaya ng kuryente, tubig, internet, cable, at telephone kapag idineklara ang “State of Calamity.”
Sa ilalim ng State of Calamity, magkakaroon ng “moratorium” sa pagbabayad o koleksyon ng bayarin, at pagbabawalan ang mga service provider na maningil o magputol ng serbisyo.
Hindi rin sila papatawan ng interes o penalty. | ulat ni Kathleen Jean Forbes