Tinatayang nasa 150 basis points ang ibabawas ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa interest rates ngayong taon base sa survey ng mga private sector analyst.
Sa inilabas na Monetary Policy Report para sa May 2024, ayon sa BSP’s survey nasa 25 bps to 150 bps ang policy rate cut hanggang matapos ang taon.
Lumalabas sa survey na inaasahan ng karamihan sa mga analysts na hindi mababago ang policy setting sa second quarter ng taon habang magkakaroon ng rate cut ng 25 bps sa ika 3rd quarter.
Una nang sinabi ni Sentral Bank Governor Eli Remolona na possibleng magkaroon ng interest rate cut ngayong darating na Agosto at bago matapos ang taon.
Base sa pagtaya ng monetary board nasa 25 bps to 50 bps ang policy rate cut ngayong 2024. Samantala, ayon sa survey ng inflation expectation ngayon taon ay “well anchored” ibig sabihin ay mananatiling pasok sa 2-4 percent target band. | ulat ni Melany V. Reyes