Ipinanawagan ng National Security Council (NSC) ang pagsasagawa ng international inspection ng United Nations o respetadong environmental organizations sa Bajo de Masinloc.
Ito’y sa gitna ng dokumentadong “environmental destruction” na ginagawa ng China sa naturang lugar.
Sa isang kalatas, sinabi ni NSC Assistant Director General Jonathan Malaya, na sa kabila ng hawak na ebidensya ang Philippine Coast Guard (PCG) sa patuloy na ginagawang pag-kuha ng mga Giant Clam, sea turtle, at iba pang “endangered species” ng mga Chinese Fishermen sa Bajo de Masinloc mula pa noong 2016, patuloy lang na itinatanggi ng China ang kanilang mga ilegal na aktibidad sa lugar.
Binigyang-diin ni Malaya, na ang mga aktibidad na ito ay lumalabag sa Convention on International Trade in Endangered Species, o CITES.
Giit pa ng opisyal na walang legal na karapatan ang China sa Bajo de Masinloc, at ang kanilang malawakang pag-aangkin sa West Philippine Sea ay pinawalang-saysay ng 2016 arbitral ruling. | ulat ni Leo Sarne