Abiso sa mga motorista dahil pansamantalang isasara ang Countryside Avenue sa Brgy. Sta Lucia sa lungsod ng Pasig simula ngayong araw.
Batay sa abiso ng Pasig LGU, isasara ang naturang kalsada para bigyang daan ang concrete reblocking mula Ortigas Avenue Extension hanggang Ilang-Ilang Street.
Gagawin ang pagsasara sa Countryside Avenue tuwing alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon na tatagal sa loob ng 2 linggo.
Muli namang bubuksan ang naturang kalsada sa Hunyo a-4 ng taong kasalukuyan. | ulat ni Jaymark Dagala