Suportado ni dating Agriculture Secretary Manny Piñol ang mga isinusulong na pag-amyenda sa Rice Tariffication Law (RTL), na layong ibalik ang kapangyarihan ng National Food Authority (NFA) na magbenta ng murang bigas sa mga Pilipino.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Emmanuel Piñol na pinakinggan lamang ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang hinaing ng mga consumer at mga magsasaka sa bansa.
“Sa wakas ay pinakinggan iyong hinaing ng ating mga consumers at ng ating mga farmers na dapat ay repasuhin iyong Rice Tariffication Law because iyong RTL actually was a legislation that was crafted without consultation through the stakeholders of the rice industry.” —Piñol
Noong tinanggalan kasi aniya ng kapangyarihan ang NFA na i-supervise at i-regulate ang rice industry, na-control ng rice cartel ang supply at presyo ng bigas sa merkado.
“Kaya nga noong 2018, ang presyo ng bigas lang ay 38 pesos per kilo; ang sabi ng mga proponents ng RTL, ibaba raw ng by seven pesos. Anong nangyari? Ngayon ay 60 pesos na ang kilo ng bigas, at ang nasisisi ay ang administrasyon na ito when the truth is that this problem started when the economic managers of the previous administration rammed down our throats this idea of liberalizing the rice industry instead of protecting our local rice industry and protecting the consumers.” -Piñol
Dahil dito, naniniwala si Piñol na tama lamang ang panawagan ni Pangulong Marcos na amyendahan ang batas na ito para sa kapanan ng mga Pilipino.
“So the President right now is correct in calling for the amendment of this flawed legislation. Kailangang ibalik ang NFA rice sa merkado sapagka’t iyan lang ang takbuhan ng mga [technical problem] kailangan ibalik sa supervision ng gobyerno iyong rice industry. We cannot allow the state of food of the Filipinos to be controlled by the rice cartel. And I would like to thank the President for this.” —Piñol. | ulat ni Racquel Bayan