Nagpahayag ng interes ang bansang Israel na palakasin ang partnership sa innovation and technology ng Pilipinas.
Sa ginawang pagbisita ni Israel Ambasador to the Philippines Ilan Fluss kay Finance Secretary Ralph Recto kamakailan, tinalakay ng dalawang opisyal ang mga areas of cooperation ng Pilipinas at Israel.
Kabilang sa mga napag-usapan ang kooperasyon sa digitalization, particular sa tax and customs administration, agricultural technology, flood control systems, healthcare, cyber security, at mga teknolohiya sa anti-smuggling.
Nagkasundo rin ang dalawang bansa sa potential collaboration sa Self-Reliant Defense Posture (SRDP) bill na kasalukuyang pinag-uusapan ngayon sa Senado.
Ang malakas na bilateral trade sa pagitan ng Pilipinas ni Israel na nagkakahalaga ng USD532-million nito lamang taong 2023. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes