Sasagutin na ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang alegasyon ng consumer group na United Filipino Consumers and Commuters (UFCC).
Ayon kay MWSS Department Manager Engineer Patrick Dizon, maglalabas sila ng official statement sa kanilang website at social media pages hinggil sa usapin
Sa Saturday News Forum sa Quezon City,inakusahan ni UFCC National President Rodolfo Javellana Jr ang MWSS ng umanoy pangongolekta at paniningil sa water consumers para sa Kaliwa Dam project.
Aabot na aniya ng ₱4 na bilyong piso ang nagastos sa proyekto at nasa 1.9% pa lamang ang progress rate nito.
Nanawagan na sila kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na linisin ang pamunuan at hanay ng MWSS.
Nais nilang i-takeover ang MWSS at suspendihin ang mga may kinalaman sa isyu.
Pinapasoli din ng UFCC ang kinolektang pera na hindi naman napakinabangan ng taumbayan. | ulat ni Rey Ferrer