Welcome para sa advocacy group na Philippine Business Education (PBEd) ang inilabas na joint memorandum circular na nilagdaan ng Department of Education (DepEd) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para sa pagtitiyak sa kalidad ng sertipikasyon ng mga senior high school (SHS) na mag-aaral na kumukuha ng technical-vocational livelihood (TVL) track.
Ayon kay Philippine Business for Education (PBEd) Executive Director Justine Raagas, ang nasabing memorandum ay hakbang upang makamit ang pangako ng K-12 pagdating sa pagkakaroon ng trabaho. Sabay sabi na ikinatutuwa nila ang mga hakbangin tulad nito.
Inuutos kasi ng nasabing circular ang assessment ng technical at vocational skills ng mga SHS learners sa ilalim ng TVL track upang sila ay makakuha ng national certification na magsisilbing kanilang tiket sa pagkakaroon ng trabaho.
Karagdagan pa dito ang ang isa pang joint memorandum circular sa pagitan naman ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Commission on Higher Education para naman sa pag-embed ng technical-vocational education and trainint (TVET) sa SHS tracks.
Bukod dito, itinulak naman ni Sen. Sherwin Gatchalian ang Batang Magaling Act, na nagtataguyod ng pagtanggap ng mga graduate ng SHS sa mga ahensya ng gobyerno at mga industriya, na nagtitiyak ng pantay na pagkakataon para sa lahat ng kabataang Pilipino.
Hinihikayat naman ni Raagas ang mas malaking pakikilahok ng pribadong sektor sa kasalukuyang SHS review at tinatawag ang mga business leaders na magbukas ng mga work-based training opportunities na mauuwi sa pagkakaroon ng trabaho.
Umaasa naman si Raagas na sa pamamagitan ng mga initiyatibong ito, may pag-asa patungo sa tagumpay ng bawat Pilipino sa pamamagitan ng tamang edukasyon at pagsasanay. | ulat ni EJ Lazaro