Muling dadayo ang Kadiwa ng Pangulo sa lungsod ng Caloocan para mag-alok ng mas murang agri-fishery products sa mga mamimili.
Sa abiso ng Department of Agriculture (DA), simula ngayong araw ay magbubukas muli ang Kadiwa ng Pangulo sa C-Cube Caloocan City Hall mula 6:00 am hanggang 6:00 pm.
Magkakaroon naman ng dalawang venue para sa Kadiwa ng Pangulo sa Biyernes, May 31, sa Covered Court ng Barangay 125 at Galino Covered Court, Barangay 102.
Ayon sa DA, tugon ito sa tumataas na presyo ng mga bilihin habang tinutulungan din ang mga magsasaka at micro, small, and medium enterprises (MSMEs).
Bukod sa Kadiwa ng Pangulo, tuloy-tuloy din ngayong araw ang bentahan ng mas murang mga produkto sa mga regular na Kadiwa sites. | ulat ni Merry Ann Bastasa