Handang-handa na ang Philippine National Police (PNP) sa pagharap sa mga susunod pang kalamidad bitbit ang kanilang mga makabagong kagamitan.
Ito ang tiniyak ni PNP Chief, Police General Rommel Francisco Marbil kasunod ng isinagawang simultaneous showdown inspection ng mga kagamitan para sa disaster response.
Kasunod nito, nagpasalamat ang PNP Chief sa mga pulis na tumugon sa pananalasa ng bagyong Aghon sa bansa dahil naibsan ang paghihirap ng mga kababayang naapektuhan ng kalamidad.
Dahil naman sa mga makabagong kagamitan at dagdag kakayahan na dala ng mga pulis, kampante si Marbil na magiging ligtas na ang mga komunidad.
Aaabot sa 40,000 Search, Rescue and Retrival Equipment, mahigit 5,000 sasakyan, at mahigit 43,000 supplies ang ipinamahagi sa 17 Police Regional Office at National Support Units sa buong bansa na nagkakahalaga ng mahigit ₱7-milyong piso. | ulat ni Jaymark Dagala