Mahigpit na nakikipag-ugnayan sa Embahada ng Pilipinas sa Bangkok, Thailand ang Department of Migrant Workers (DMW) sa pamamagitan ng kanilang Migrant Workers Office sa Singapore.
Ito’y para bantayan ang kalagayan ng 5 Pilipinong sakay ng Singapore Airlines Flight (SQ-321) na na-divert sa Bangkok matapos makaranas ng sever turubulence kahapon.
Maliban sa Embahada ng Pilipinas sa Bangkok, may ugnayan na rin ang DMW sa Foreign Ministry ng Singapore gayundin sa mga awtoridad ng Suvarnabhumi (SUBARNABUMI) Airport gayundin sa Airline officials.
Magugunitang mahigit 30 pasahero ang nasugatan sa nabanggit na insidente habang may 1 napaulat na nasawi dulot ng atake sa puso.
Nabatid na patungo sanang London ang naturang flight nang makaranas ito ng matinding pag-alog dahilan upang magsagawa ito ng emergency landing sa Thailand. | ulat ni Jaymark Dagala