Kaisa ang kongreso sa hangarin na palakasin ang ating Sandatahang Lakas.
Kasunod ito ng hiling ni National Security Adviser Eduardo Año sa Senado at Kamara na suportahan ang pagpapatupad ng Horizon III ng AFP modernization program.
Ayon kay Tingog Party-list Rep. Jude Acidre, sa gitna ng usapin sa West Philippine Sea (WPS) at kasalukuyang geopolitics, dapat lang na palakasin ang kapabilidad ng ating AFP.
Panahon na aniya para pag-usapan kung paano mapapabilis ang modernisasyon ng AFP dahil sa mahabang panahon ay hindi pa rin nakikitaan ng malaking resulta.
“for everything that is happening in the West Philippine Sea and in the light of the recurring geopolitics, it is only imperative and logical that we also assess the military capability of our country. Siguro naman panahon na pag-usapan din at talakayin kung paano natin mas mapapabilis. Kasi medyo matagal-tagal na rin itong AFP modernization effort pero parang hindi rin natin, we still waiting really for significant and impactful results,” sabi ni Acidre.
Maliban naman aniya sa ‘wishlist’ ay dapat ding ipakita ng AFP na nagugol nga ng tama ang pondong inilaan para sa naturang programa.
“put all together kailangan lang talaga klaruhin din ng AFP. Di naman pwede pumupunta sa Congress for the budget hearing na may wish list lang sila, dapat may report card din. And I think that would be a fair way to go in supporting the AFP modernization program.” dagdag ng mambabatas
Punto naman ni Deputy Speaker David Suarez, ang pagpapalakas sa ating AFP ay hindi dahil gusto natin ng gulo o makipag-giyera.
Tinitiyak lamang aniya ng pamahalaan na ligtas ang bawat Pilipino at mapoprotektahan ang ating soberanya.
Sabi pa ng Quezon solon, dapat ay limang porsyento ng ating GDP ay ilaan sa defense sector.
“I think at bare minimum, government should be allocating five percent for GDP on defense. It is necessary that we invest heavily in defense for obvious reasons. Nakikita naman natin yung mga nangyayari sa ating bansa, nangyayari sa ating mundo. Hindi naman sa ninanais natin magkaroon ng kaguluhan o anumang hidwaan sa mga bansa. Kaso lang ang nais natin siguraduhin at pananatilihin ay ang buhay ng bawat Pilipino ay secured and that we’re able to defend our sovereignty,” sabi ni Suarez
Hirit din nito na maliban sa kagamitan ng AFP ay dapat ding mapagtuunan ang cyber security defense ng bansa.
“…cybercrime and cyber warfare is real and apparent. And we also have to find out where our defense capabilities in this specific sector lie. Are we capable of actually protecting data, are we actually able to say that we can protect the information of Filipinos against cyber warfare,” dagdag nya. | ulat ni Kathleen Forbes