Kamara, magsasagawa ng public consultation kasama ang mga mangingisda sa Bajo de Masinloc

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isang public consultation ang ikakasa ng House Committee on National Defense and Security at Special Committee on the West Philippine Sea sa Bajo de Masinloc sa Zambales sa Biyernes, May 24.

Ayon kay Iloilo Rep. Raul Tupas, Vice- chair ng Defense Committee, ang gagawin nilang konsultasyon ay bahagi ng imbestigasyon sa umano’y “gentleman’s agreement” sa pagitan ng dating administrasyon at China.

Inaasahan ani Tupas, na kanilang makakaharap ang mga mangingisda at kanilang mga asosasyon, para personal na marinig ang kanilang karanasan at kalagayan sa gitna ng tensyon sa West Philippine Sea.

Ang magiging resulta nito ay maaari aniya nilang gamitin sa pagbuo ng bagong polisiya o lehislasyon para matulungan ang mga mangingisda, lalo na at inanunsiyo ng China na simula Hunyo ay hulihin at ikukulong nila ng hanggang 60 araw ang mga dayuhang iligal na papasok sa inaangkin na teritoryo ng China.

Bagay na mariin ding kinondena ng mambabatas. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us