Ratipikado na ng Kamara ang Bicameral Conference Committee Report ng panukalang Magna Carta of Filipino Seafarers.
Ginawa ang ratipikasyon bago ang sine die adjournment noong Miyerkoles, May 23.
Matatandaan na noong Pebrero ay binawi ng Kapulungan ang naunang Bicam Report ng panukala para ayusin ang probisyon tungkol sa hurisdiksyon.
Ayon naman kay Kabayan Party-list Representative Ron Salo, pangunahing may-akda ng panukala, ang ratipikasyon ay hindi lamang panalo ng Kongreso kundi isang deklarasyon ng suporta sa pagnanais ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na pataasin ang kalidad ng maritime sector ng bansa at tugunan ang mga hamon na makasunod sa international standards lalo na sa European Maritime Safety Agency (EMSA).
“With this law, we are setting a global standard. It’s not just about compliance or meeting international expectations—it’s about leading by example, about showing the world how deeply we value the dedicated individuals who make our proud maritime tradition possible,” sabi ni Salo.
Batay sa datos ng MARINA, tinatayang nasa 400,000 ang mga Pilipinong marino ang naka-deploy sa iba’t ibang panig ng mundo. | ulat ni Kathleen Jean Forbes