Mayo pa lamang ngunit sinisimulan na ng House Committee on Appropriations ang paghahanda para sa panibagong serye ng pagtalakay ng pambansang pondo.
Ayon kay AKO BICOL party-list Rep. Elizaldy Co, kadalasan ay natatanggap ng Kamara ang National Expenditure Program sa araw o pagtaapos ng SONA ay ngunit ngayon pa lang ay nakikipag-ugnayan na sila sa mga ahensya ng pamahalaan.
Ipinapatawag aniya ang government agencies upang alamin ang kanilang disbursement rate o kung magkano na ang kanilang nagastos sa kabuuang pondo na ipinagkaloob sa kanila ngayong Fiscal Year 2024.
Inaalam din aniya nila kung ano pa ang mga kinakailangan programa o proyekto ng naturang mga ahensya para maipatupad ang kanilang mandato upang maipagbigay alam sa Department of Budget and Management.| ulat ni Kathleen Forbes