Kamara, tumugon sa panawagan ni PBBM na magkaroon ng epektibong flood control program at water management

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tutulong na rin ang Kamara sa hangarin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magkaroon ng mas maayos na pamamahala sa tubig.

Matatandaan na sa isinagawang sectoral meeting sa Malacañang nito lang unang linggo ng Mayo, inatasan ng presidente ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na i-integrate ang flood control program nito sa iba pang water agency gaya ng National Irrigation Administration.

Kaya naman sa ipinatawag na pulong at konsultasyon ng Kamara, mailalatag ng mga district representative ang kanilang mga proyekto na may kaugnayan sa flood mitigation at irigasyon na maaaring pag-ugnayin.

Ayon kay Speaker Martin Romualdez, ang naiipong tubig ulan at baha ay itinatapon lang din naman sa dagat.

Kaya imbes na masayang ay gagamitin ito sa patubig sa mga sakahan, bulk water supply, maging sa hydroelectric power.

“Makikita po natin na may malaking pondo para sa flood control. Nakikita mo naman nagumpisa na naman yung ulan at yung gagawin natin dito sa vision ng ating mahal na presidente yung sinasabing convergence, yung NIA  has this vision brought forth by the president to be implemented by the public works under sec. manny bonoan through all the support of all the congressmen in the districts that all the funding will be aligned. I-align natin dito sa programa sa patubig,” sabi ni Romualdez

Kumpiyansa rin si Romualdez, na sa pamamagitan ng convergence program na ito ay makakamit ng pamahalaan na maging food self-sufficient.

Aniya mahalaga ang patubig sa mga sakahan para mapataas ang produksyon.

“This would lead us to, I believe, rice self-sufficiency due to higher productivity before the term of the President ends in 2028. That’s the target, that’s the goal, that’s our aspiration and I believe we’re on our way to that. Ibang klase talaga itong vision ng ating Presidente through the integration of this vision by the administrator of the NIA, implemented efficiently with the expertise of the Public Works,” giit ni Romualdez | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us