Kamuning Flyover, 30% nang natatapos — DPWH-NCR 

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagbigay ng update ang Department of Public Works and Highways-National Capital Region (DPWH-NCR) kaugnay sa nagpapatuloy na pagkukumpuni sa Edsa-Kamuning Flyover sa Quezon City. 

Ayon kay DPWH Regional Director Engr. Loreta Malaluan, 30% nang natatapos ang pagkukumpuni sa naturang istruktura. 

Mas maaga daw ito sa target date nila ng halos tatlong linggo. 

Sa ngayon, ang paglalagay ng mga epoxy at iba pang materyales sa ilalim ng flyover ang kasalukuyang ginagawa ng kontraktor. 

Target ng DPWH na matapos ito ng hanggang sa buwan ng Agosto 2024.

Sa ngayon, tanging ang busway lamang ang nagagamit sa naturang flyover habang ang ibang motorista ay dumadaan sa mga alternate route. 

Samantala, hindi pa agad maisusunod ng DPWH ang pagpapagawa sa Northbound lane ng flyover dahil sa kakulangan ng pondo ngayong 2024.

Posibleng maisakatapuran daw ito sa susunod na taon kung maisasama sa 2025 General Appropriations Act.  | ulat ni Mike Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us