Ikinatuwa ni Lanao Del Norte Rep. Khalid Dimaporo ang pag-apruba ng bicameral conference committee ng panukalang lumikha ng Shari’a jShari’a Judicial Districts.
Sa daily press conference sa Kamara, sinabi ni Dimaporo na labis silang nasiyahan na umuusad na ang matagal na nilang hangarin na magkaroon ng Sharia Courts sa Metro Manila, Visayas at Minadano.
Sa ngayon kasi ang natatanging operational na Muslim Court ay ang nasa Zamboanga Peninsula na itinatag pa nuong Presidential Decree 1083.
Ayon sa mambabatas umaasa siya na tuluyan mararatipikahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong taon.
Nagpasalamat naman si Lanao Del Sur Rep. Zia Alonto Adiong kay House Speaker Martin Romualdez sa kanyang ipinamalas na suporta dahil kabilang ang naturang hakbang bilang priority legislation ng 19th Congress.
Positibo si Adiong na sa mga susunod na taon ay maitatag ang maraming Shari’a appellate court upang maging accessible sa mga kapatid na Muslim ang hustisya na naayon sa kanilang pananampalataya.| ulat ni Melany V. Reyes