Pinalawak pa ng Department of Agriculture-Agribusiness and Marketing Assistance Service (DA-AMAS) ang KADIWA program sa pagbubukas ng karagdagang sites sa Metro Manila.
Ngayong araw, magbubukas na muli ang Kadiwa sa Bureau of Plant Industry (BPI) sa San Andres, Malate, Manila.
Ito ay naka-soft-opening mula ngayong Huwebes, May 16-17 mula 7:00AM – 4:00PM.
Bukas naman magsisimula ang operasyon ng KADIWA Center sa Philippine Fiber Industry Development Authority (PhilFIDA) na matatagpuan sa PhilFIDA Compound, Aria Street, Talon Dos, Las Piñas City.
Magbubukas ito mula 6:00AM – 4:00PM bukas, May 17-18.
Kasunod nito ay nanawagan ang DA na suportahan ang mga lokal na magsasaka sa pamamagitan ng pagbisita sa KADIWA sites.
Kabilang sa mabibili sa KADIWA Center ang wholesale at retail ng sari-saring produkto gaya ng mga gulay, prutas, karne, isda, itlog, at bigas. | ulat ni Merry Ann Bastasa