Iniulat ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Division ang patuloy na pagtaas sa kaso ng dengue sa lungsod sa taong ito.
Batay sa datos ng LGU, umakyat na sa 1,147 ang bilang ng kaso ng dengue sa lungsod mula January 1 hanggang nitong May 11, 2024.
Naitala sa District 2 ang may pinakamaraming kaso na umabot sa 252 cases, habang District 3 naman ang pinakamababa na may 103 na kaso.
Tatlo naman ang naiulat na dengue-related deaths mula sa District 1 at 2.
Kasunod nito, patuloy pa ring pinapayuhan ng pa pamahalaang lungsod ang lahat na pumunta kaagad sa pinakamalapit na Health Center o pagamutankung makita o maramdaman ang mga sintomas ng Dengue. | ulat ni Merry Ann Bastasa