Isang desperado na hakbang ang ginawang pagsasampa sa Ombudsman ng Cavite Infrastructure Corporation laban sa mga opisyal ng Philippine Estate Authority Tollways Corporation (PEATC).
Ayon kay Atty. Ariel Inton, spokesperson ng PEATC, isang uri ng harrasment ang ginawa ng CIC laban kay Officer in Charge Dioscoro Esteban Jr. at iba pang opisyal.
Kahapon, inihain ng CIC sa Ombudsman ang mga kasong Usurpation of Authority, Slander at Perjury matapos umanong umakto ang mga abogado ng PEATC bilang corporate lawyer sa Court of Appeals sa Petition for Mandamus.
Sabi ng CIC, hindi daw dapat mga abogado ng PEATC ang kumatawan sa kanila bagkus anv Office of Government Corporate Counsel.
Pero, tinawag ito ni Inton bilang taktika ng CIC para pagtakpan ang bilyon piso na ikinalugi ng gobyerno sa operasyon ng Cavite Expressway.
Sa ngayon, maghihintay pa sila ng kopya ng kasong isinampa sa Ombudsman bago nila sagutin ang akusasyon laban sa kanila.
Ngunit naninindigan ang mga opisyal ng PEATC na panahon na para bawiin ng gobyerno ang operasyon ng nasabing Expressway dahil bilyong piso ang maaaring mapajinabangan ng gobyerno mula dito. | ulat ni Mike Rogas