Binuksan na sa publiko ang kauna-unahang planetarium sa Mindanao.
Ang pasilidad ay matatagpuan sa PAGASA Station sa Barangay Molugan, El Salvador City, Misamis Oriental.
Ayon sa PAGASA, taglay nito ang makabagong visualization at nakaka-engganyong multi-media technology.
Highlights din ang theater-type facility at dome para sa astronomical shows, at nagtataglay ng mga telescope para sa stargazing activities.
Magsisilbi din itong dynamic center para sa research, education, at outreach, na layong magbigay ng inspirasyon sa isang bagong henerasyon ng mga astronomer at mahilig sa space science.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni DOST Secretary Renato Solidum, Jr. na ang pagtatayo ng planetarium ay nagmamarka ng isang makabuluhang tagumpay sa science education at infrastructure development sa Mindanao.| ulat ni Rey Ferrer