“Key industry players” ng ECCP at EU-ASEAN Business Council, hinikayat na maging bahagi ng Built Better More program ng gobyerno

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binigyang halaga ni Finance Secretary Ralph Recto ang pagiging bukas ng Pilipinas sa investors at paghikayat sa mga ito na makibahagi sa Built Better More Infrastructure program ng gobyerno.

Ito ang ibinahagi ng kalihim sa dinaluhang dialogue kasama ang “key industry players” ng European Chamber of Commerce of the Philippines (ECCP) at EU-ASEAN Business Council.

Tinalakay din ni Recto ang tax system ng bansa, at ang pagpapalakas ng partnership sa investors.

Ibinahagi din ng kalihim, ang pagsisikap ng gobyerno upang tugunan ang tax concerns sa ngayon gaya ng pharmaceutical, insurance, alcoholic beverage at accounting industries.

Aniya, sa mga reporma na isinusulong ngayon mababawasan ang mga hadlang sa burukrasya na nagdadagdag ng cost of doing business sa PIlipinas.

Samantala, welcome naman sa ECCP at EU-ABC ang mga naturang reporma, at nag-commit na makikipagtulungan sa bansa upang makamit ang economic growth at sustainable development. | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us