Klase sa ilang eskwelahan sa QC at buong Malabon, suspendido ngayong araw

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagdeklara ngayon ng suspensyon sa klase ang ilang eskwelahan at barangay sa Quezon City dahil sa inaasahang pag-ulan at baha dulot ng bagyong Aghon.

Sa abiso ng LGU, kabilang sa mga suspendido ang klase ang mga sumusunod:

  • Barangay Sacred Heart (Public Schools)
  • Barangay San Vicente (San Vicente Elementary School)

Tinukoy naman ng LGU na batay sa Department of Education (DepEd) Order No. 37, s. 2022 at Local Government Memorandum Circular No. 10-A s. 2022, nasa pagpapasya na ng mga pamunuan ng eskwelahan ang suspensyon ng klase sa mga pribadong paaralan.

Samantala, suspendido rin ang klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pampribadong paaralan sa lungsod ng Malabon ngayong Lunes, May 27, dahil sa bagyong Aghon. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us