Pinapurihan ni House Committee on Bases Conversion Chair at Zambales 1st district Rep. Jay Khonghun ang direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na paigtingin ang laban kontra smuggling ng tobacco at vape products.
Aniya ipinapakita nito na seryoso ang pamahalaan sa pag protekta sa kalusugan ng mga Pilipino at pagpapatupad ng batas.
“I commend President Marcos for his decisive action in prioritizing the fight against tobacco and vape product smuggling. This sends a clear message that our government is serious about protecting public health and ensuring the integrity of our markets,” giit ni Khonghun
Kasabay nito ay nanawagan si Khonghun, sa lahat ng ahensya ng pamahalaan gaya ng DOF at DTI na tulungan ang Pangulo dahil malaking banta ang pagpupuslit sa ekonomiya ng bansa.
Diin ng House Assistant Majority Leader, ang pagpupuslit ng tabako at vape ay hindi lang banta sa kalusugan ngunit may epekto rin sa mga lehitimong negosyo at kita ng pamahalaan.
50% ng nakokolektang tobacco excise tax ay inilalaan para sa Universal Health Care at Health Facilities Enhancement Program (HFEP).
Kabuuang 2.2 milyong Pilipino naman ang nakasalalay ang kabuhayan sa tobacco industry ng bansa.
“It is crucial that we address and end the rampant smuggling of tobacco and vape products, which not only poses health hazards to our citizens but also undermines the efforts of legitimate businesses and deprives the government of much-needed revenue,” sabi ni Khonghun.
Sa ika anim na Private Sector Advisory Council-Agriculture Sector Group (PSAC-ASG) meeting sa Malacañang nitong Miyerkules ay binigyang halaga ng Pangulong Marcos ang anti-smuggling measures ng gobyerno.
Kabilang naman sa inilatag na hakbang ng
PSAC-ASG ay ang paglalabas ng Department of Budget and Management (DBM) ng pondo para sa National Tobacco Authority (NTA) Sustainable Tobacco Enhancement Program (STEP).
Pinasasama rin nito ang tobacco products sa amyenda sa Anti-Agri Smuggling Act of 2016.
Nanawagan din ito sa DTI na magtkada ng deadline sa pagpaparehistro ng mga importer at manufacturer ng vape products at ang pagpapataw ng tax ng BIR sa mga ito. | ulat ni Kathleen Forbes