Nakataas na sa Orange Warning Level ang lalawigan ng Northern Samar dahil sa ulang dala ng tropical depression Aghon.
Sa inilabas na heavy rainfall warning ng PAGASA, pinag-iingat ang mga residente sa banta ng mga pagbaha sa low-lying areas at malapit na river channels at pagguho ng lupa.
Samantala, nakataas na rin sa Yellow Warning Level ang lalawigan ng Albay dahil sa posibleng mga pagbaha dala ng mga pag ulan.
Batay sa ulat ng PAGASA, nakararanas na ng mga pag-ulan sa Camarines Norte, Camarines Sur,
Catanduanes, Sorsogon, Masbate, Romblon, Marinduque, at Oriental Mindoro.
Magpapatuloy ang pag-ulan sa loob ng tatlong oras.
Batay sa pinakahuling ulat kay tropical depression AGHON ngayong umaga, namataan ang sentro ng bagyo sa coastal waters ng Catbalogan City sa Samar matapos maglandfall sa vicinity ng Giporlos, Eastern Samar.
Gumagalaw ito pa-Hilagang Kanluran sa bilis na 30 km kada oras.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 55 km/ kada oras malapit za gitna at bugso ng hanggang 70 km/kada oras.
Nakataas pa rin ang tropical wind signal #1 sa maraming lugar sa Luzon, Visayas at Dinagat Island sa Mindanao. | ulat ni Rey Ferrer