Bahagyang tumaas muli ang antas ng tubig sa Angat Dam na pangunahing pinagkukunan ng supaly ng tubig sa Metro Manila.
Kasunod na rin ito ng mga pag-ulang dulot ng bagyong Aghon sa mga nakalipas na araw.
Sa update ng PAGASA Hydromet Division, kaninang alas-8 ng umaga, nadagdgaan pa ng 15 sentimetro ang antas ng tubig sa Angat Dam kaya ito ay nasa antas na 179.94 meters.
Kaunti na lang ang agwat nito mula sa minimum operating level ng dam na nasa 180 meters.
Bukod sa Angat Dam, nadagdagan din ang lebel ng tubig sa La Mesa Dam, Binga, San Roque, at Pantabangan Dam. | ulat ni Merry Ann Bastasa