Lebel ng tubig sa Angat Dam, nababawasan na muli

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy na namang natatapyasan ang lebel ng tubig sa Angat Dam.

Sa update ng PAGASA Hydromet Division, kaninang alas-8 ng umaga, nabawasan pa ng 21 sentimetro ang antas ng tubig sa Angat Dam kaya nasa lebel na ito na 179.70 meters.

Mula ito sa 179.91 meters na naitala noong nakaraang araw.

Nananatiling mas mababa pa rin ito kumpara sa minimum operating level ng dam na 180 meters.

Bukod naman sa Angat Dam, bumaba rin ang lebel ng tubig sa Magat at Caliraya Dam ngayong umaga.

Habang nadagdagan naman ang lebel ng tubig sa iba pang dam sa Luzon. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us