Lebel ng tubig sa Angat Dam, nabawasan na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Dahil humupa ang ulang dulot ng bagyong Aghon, nabawasan na rin ang antas ng tubig sa Angat Dam.

Batay sa 8am update ng PAGASA Hydromet Division, bumaba na muli sa 179.91 meters ang lebel ng tubig sa naturang dam.

Mula ito sa 179.94 meters na naitala noong nakaraang araw.

Kapos pa rin ito para umabot sa minimum operating level ng dam na 180 meters.

Bukod naman sa Angat Dam, bumaba rin ang lebel ng tubig sa Ambuklao at Caliraya Dam.

Habang nadagdagan naman ang lebel ng tubig sa iba pang dam sa Luzon. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us