Bumaba pa ng .32 meters ang water level ng Angat Dam ngayong umaga mula sa 183.99 meters kahapon.
Batay sa monitoring ng PAGASA Hydrometeorology Division, sumadsad na sa 183.67 ang water level ng dam hanggang alas 8 ng umaga kanina.
May 3.67 meters na lamang ang pagitan bago ang 180 meters minimum operating level ng dam. Nasa 212 meters ang normal high water level ng Angat dam.
Samantala, nasa 99.64 naman ang water level ng Ipo dam mula sa 99.70 meters kahapon,habang 75.10meters ang water level ng La Mesa dam na mataas sa 75.8 meters kahapon.
Nanatili pa ring mababa ang water level ng iba pang dam sa Luzon mula sa kanilang normal high water elevation.| ulat ni Rey Ferrer