Patuloy na bumababa ang lebel ng tubig sa Angat Dam.
Batay sa update ng PAGASA Hydrometeorology Division, kaninang alas-8 ng umaga ay nabawasan pa ng .41 meters ang tubig sa dam kaya bumaba pa ito sa 179.27 meters.
Mas mababa pa rin sa 180 meters na minimum operating level ng dam.
Bukod sa Angat Dam, karamihan din ng dam na binabantayan ng PAGASA sa Luzon ay nagkaroon ng tapyas.
Kabilang dito ang Ipo Dam, La Mesa Dam, Ambuklao, Binga, San Roque, Magat, at Caliraya Dam. | ulat ni Merry Ann Bastasa