Muling natapyasan ang lebel ng tubig sa Angat Dam sa nakalipas na 24-oras.
Batay sa update ng PAGASA Hydrometeorology Division, kaninang alas-8 ng umaga ay nabawasan pa ng 47 sentimetro ang tubig sa dam kaya bumaba pa ito sa 185.18 meters.
Halos limang metro na lang ang agwat nito mula sa 180 meters na minimum operating level ng dam.
Bukod sa Angat Dam, bumaba rin ang lebel ng tubig sa ilan pang dam na binabantayan ng PAGASA sa Luzon.
Kabilang dito ang Ipo Dam, San Roque, at Magat Dam. | ulat ni Merry Ann Bastasa