Muling natapyasan ang lebel ng tubig sa Angat Dam sa nakalipas na 24 oras dahil sa kakulangan ng ulan sa watershed.
Batay sa update ng PAGASA Hydrometeorology Division, kaninang alas-8 ng umaga ay nabawasan pa ng 37 sentimetro ang tubig sa dam kaya bumaba pa ito sa 182.63 meters.
Higit dalawang metro na lang ang agwat nito mula sa minimum operating level ng dam na 180 meters.
Bukod sa Angat Dam, may tapyas din sa lebel ng tubig sa Magat at Caliraya Dam habang ang mayorya ng mg dam ay may bahagyang pagtaas sa water elevation ngayong umaga. | ulat ni Merry Ann Bastasa