Ipinagmalaki ng Pamahalaang Lungsod ng Marikina na naging epektibo ang ginawa nilang massive dredging activities sa Marikina river.
Ito’y ayon kay Marikina City Mayor Marcelino Teodoro ang naging susi upang maiwasan ang pagbaha sa kanilang lugar sa nakalipas na 2 araw na magkakasunod na pag-ulan.
Sa mensahe ni Mayor Teodoro, malaki ang naitulong ng 5 dredging machines ng Lungsod upang mapalalim ang ilog, dahilan upang maabot nito ang normal na lebel ng tubig.
Batay sa datos mula sa Marikina City Rescue 161, pumalo lamang sa 12.4 meters ang lebel ng tubig sa ilog na mas mataas kumpara sa 11.5 meters kahapon.
Magugunitang halos matuyo na ang lebel ng tubig sa Ilog Marikina nitong kasagsagan ng tag-init na pinalala pa ng epekto ng El Niño. | ulat ni Jaymark Dagala