Lider ng CPP-NPA sa Quezon Province, hinatulang ‘Guilty’ ng korte dahil sa kasong terorismo

Facebook
Twitter
LinkedIn

“Guilty” ang naging desisyon ng Taguig Regional Trial Court sa dating lider ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) ng Quezon Province.

Sa naging promulgation ng Taguig RTC Branch 266, napatunayan ng walang pag-aalinlangan ang akusado na si Maria Salome Crisostomo at kilala sa pangalang Maria Salome Crisostomo Ujano na kinasuhan ng rebellion.

Dahil dito hinatulan siya na makulong ng 10 taon hanggang 17 taon at apat na buwan.

Sa rekord ng korte, sangkot ang akusado sa pag-atake sa Quezon Province noong November 2005 na naging dahilan ng pagkamatay at pagkasugat ng mga sundalo, pagsira sa mga telecommunications sites, at mga ari-arian ng gobyerno.

Depensa naman ni Ujano sa korte, wala siya sa Quezon Province noong mangyari ang pag-atake dahil nag-aaral siya noon sa St. Scholastica College sa Malate Maynila.

Pero hindi ito pinakinggan ni Judge Marivic Vitor ng Taguig RTC kung kaya’t hinatulang “Guilty” si Ujano.

Nagpasalamat naman si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa korte at sinabing tagumpay ito para sa kampanya ng gobyerno laban sa terorismo. | ulat ni Mike Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us